Paglalakbay sa pampublikong transportasyon

Ang myki ang iyong tiket para sa pampublikong transportasyon upang makapaglakbay sa mga tren, tram at bus sa Melbourne at ilang mga bahagi ng rehiyonal na Victoria.

 

Madali ang bumili ng myki sa iba’t-ibang mga tindahan, kabilang sa lahat ng mga 7-Eleven, o mag-order ng myki sa online, o sa pamamagitan ng PTV app.

Hero

Paglalakbay sa pampublikong transportasyon

Ang myki ang iyong tiket para sa pampublikong transportasyon upang makapaglakbay sa mga tren, tram at bus sa Melbourne at ilang mga bahagi ng rehiyonal na Victoria.

 

Madali ang bumili ng myki sa iba’t-ibang mga tindahan, kabilang sa lahat ng mga 7-Eleven, o mag-order ng myki sa online, o sa pamamagitan ng PTV app.

Ang PTV app

Planuhin ang iyong paglalakbay at pangasiwaan ang iyong myki sa pamamagitan ng Public Transport Victoria (PTV) app.

May iba’t-ibang mga katangian ang PTV app upang tulungan kang planuhin ang iyong paglalakbay at ginagawang madaling pangasiwaan ang iyong myki.

Narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin sa app:

  • Irehistro ang iyong myki upang kung sakaling mawala mo ang iyong card, hindi mo mawawala ang iyong pera
  • Iwasan ang mga pila at kaagad na mag-top up instantly kapag i-scan mo ang iyong myki gamit ang iyong mobile phone
  • Magtakda ng isang paburitong shortcut ng paglalakbay para sa mabilis na impormasyon sa mga regular na ruta
  • Naghihintay sa isang bus o tram stop o istasyon ng tren? Alamin kung kailan nakatakda ang susunod na serbisyo
  • Mas madaling maglakbay sa pamamagitan ng mga alerto sa pagkagambala (disruption alerts) o alamin kung kailan nakatakda ang susunod na tren

I-download ngayon ang PTV app at irehistro ang iyong myki.

I-click ang icon sa ibaba upang i-download ang PTV app para sa uri ng iyong telepono.

Logo ng Google Play. KUNIN ITO MULA SA Google Play Logo ng Apple App Store. I-download mula sa App Store

Dagdagan ang kaalaman kung paano ka matutulungan ng PTV app sa ibaba.

Hero

Pangasiwaan ang iyong myki at iba pa

Create account 1000w x 400h

Lumikha ng isang account at irehistro ang iyong myki

Kung mawawala mo ang iyong myki, maiiwasan mong mawala ang iyong pera. Irehistro ang iyong myki upang makuha mo muli ang iyong pera o palitan ang isang nag-expire na card.

  • Buksan ang PTV app at piliin ang myki icon
  • Piliin ang 'create an account' at i-scan ang iyong myki
  • Ipasok ang iyong mga detalye at i-click ang 'create' na pindutan
Instant top up 1000w x 400h

Kagyat na pag-top up

Maaari kang agad na mag-top up gamit ng PTV app, kahit habang ikaw ay naghihintay ng iyong tren, tram o bus.

  • Buksan ang PTV app at piliin ang myki icon
  • I-scan ang iyong myki
  • Magdagdag ng pera nang diretso mula sa iyong telepono
Instant top up 1000w x 400h

Alamin ang iyong natitirang pondo (myki balance)

Maaari mong alamin ang iyong balance (natitirang pondo) kahit anong oras sa pamamagitan ng PTV app.

  • Buksan ang PTV app at piliin ang myki icon
  • Piliin ang 'Scan myki – Check balance’ at i-scan ang iyong myki
  • Ang balance ay magpapakita sa screen
Manage multiple mykis 2000x800

Pangasiwaan ang maraming mga myki

Maaari mong pangasiwaan ang mga myki ng iyong pamilya mula sa isang account. Pangasiwaan ang hanggang 10 myki, alamin ang mga balance at agad na mag-top up, upang maaari silang palaging maglakbay sa pampublikong transportasyon gamit ang isang wastong tiket.

  • Mag-log in sa iyong myki account at piliin ang 'add another myki'
  • I-scan ang myki
  • Ipasok ang mga detalye para sa may hawak ng myki upang idagdag ang card
Mobile myki

Mobile myki

Kung mayroon kang isang Android na telepono, maaari kang magdagdag ng isang digital na myki card sa iyong Google Wallet™ app.

Ito ang Mobile myki. Gamitin ang Mobile myki upang i-touch on gamit ang iyong teleponong Android at gamitin ang PTV app upang i-top up ang iyong myki at alamin ang iyong balance.

Set auto top up

Ihanda ang auto top up (awtomatikong pagdaragdag ng pondo)

Ihanda ang auto top up hindi ka kailan man kulang sa pondo

Pumili ng isang pinakamaliit na balance at halaga ng auto top up. Kapag naabot na ang pinakamaliit na balance, mag-top up ang iyong myki ng halagang pinili mo para sa awtomatikong pag-top up.

Maaari mo ring ihanda ang auto top up para sa iyong mga anak kung pinangangasiwaan mo ang kanilang mga myki.

  • Irehistro ang iyong myki at piliin ang auto top up
  • Ilagay ang iyong pinakamaliit na balance
  • Piliin ang iyong halaga ng auto top up
Favourite 1000w x 400h

Mga paborito

I-save ang iyong mga paborito at madalas na nga hintuan, mga linya, paglalakbay at mga address para sa mabilis na pag-access.

Refund 1000w x 400h

Isauli ang ibinayad sa isang rehistradong myki

Kung nakarehistro ang iyong myki, protektado ang iyong balance. Maaaring ibalik ang iyong ibinayad mong myki balance sa ibang myki o ibalik sa iyong account ng banko sa Australya.

Para sa karagdagang mga gabay, bisitahin ang pahina kung paano gamitin ang PTV app.

Kung nagkakaroon ka ng isang isyu sa paggamit ng app at nais mong ipaalam sa amin, ang mas maraming impormasyon na ibibigay mo sa amin, mas Madali sa amin na mag-imbestiga.

Tingnan kung anong impormasyon ang nakakatulong sa amin na mag-imbestiga ng isang isyu ng app.

Ligtas na paglalakbay sa network

May impormasyon kami kung paano mapanatiling ligtas ang iyong sarili at sa iba pa sa network ng pampublikong paglalakbay sa pamamagitan ng ligtas na paglalakbay sa network.

Nakikipagtulungan kaming nang masinsinan sa Victorian Police at mga nagpapatakbo ng pampublikong transportasyon upang gawing mas ligtas ang iyong paglalakbay sa network ng pampublikong transportasyon.

Dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga kawani at mga pangkaligtasang katangian sa Safety You Can See.